TL
TL

Home > Notre actualité > IA & adaptation culturelle

PRODUKSIYON NG INTERNASYONAL
AT AI CONTENT

MGA SERBISYONG TAO AT AI PARA SA INTERNASYONAL NA MGA TATAK NA NAIS PABILISIN ANG KANILANG PRODUKSIYON NG DIGITAL CONTENT

Para sa mga negosyong nais palaguin ang kanilang internasyonal na presensiya, ang artificial intelligence ay mahalagang kasangkapan para pabilisin ang pagganap sa lokal na antas. Sa Datawords, matibay ang aming paniniwala na ang alyansa sa pagitan ng mga tao at AI ay mahalaga at nagbubukas ng mga bagong pananaw sa paraan na naihahatid ng mga tatak ang contnt nila sa buong mundo, habang naglalagay ng partikular sa merkadong na kabuluhan sa kultura sa puso ng kanilang istratehiya.

Nangangako ang AI na mabawasan ng malaki ang oras para makapagtinda. Mahalaga ang tulin sa kapaligiran kung saan ang kakayahang makaakit ng atensiyon at panatiliin ang katapatan ng kostumer ay importante. Higit pa diyan, pinahihintulutan ng AI ang mga tatak na maging naroon sa mas maraming merkado sa pamamagitan ng paggarantiya ng paghahatid ng magkakaugnay na nilalaman sa maraming punto ng kontak, habang ino-optimize ang mga gastusin.

Subalit, sa kabila ng hindi maikakaila na mga benepisyo nito, ang AI ay may sariling limitasyon. Ang mga sistemang nakabatay sa katalinuhan ng tao, na binuo at na-program ng mga tao, ay maaari pa ring magkaroon ng pagkiling sa kultura, pagkalat ng maling impormasyon o kulang sa kinakailangang katumpakan upang mapanatili ang pagkakaugnay sa pagkakakilanlan ng isang tatak. Para sa isang negosyo na nagsusumikap para sa internasyonal na paglago, ang pagpapababa sa panganib ng pagkakamali pagdating sa target na audience ay mahalaga. Ito ay tiyak kung saan ang Datawords, salamat sa Multicultural IngenuityTM nito at mga pangkat na naitaguyod sa buong mundo, pumapasok bilang mahalagang istratehikong kasosyo.

Gumaganap ang AI ng mahalagang papel sa ating istratehiya, simula sa pagbuo ng mga AI assistant na sinanay partikular para sa bawat merkado. Kasama ng mahigpit na proseso sa pagpapatotoo, ang unang hakbang na ito ay sumisiguro na walang pagkiling at ang nagawang nilalaman ay kaugnay ng pagkakakilanlan ng tatak. Sa kalaunan, ang mga pangkat namin ang namamahala para pagsamahin at gamitin ang mga AI assistant na ito, inaayon sila sa mga umiiral na daloy ng trabaho para i-optimize ang paglikha ng nilalaman at pag-ayon. Panghuli, kasama sa huling hakbang ang masusing pagsusuri ng ginawang nilalaman. Ang kritikal na yugtong ito ay nagpapahintulot sa amin para matiyak na ang bawat aspeto ng nilalaman ay hindi lamang nakakatugon sa mga pamantayan ng kalidad at kahusayan, ngunit may kaugnayan din sa kultura, na mahalaga para sa pagkamit ng aming layunin.

Ang alyansa sa pagitan ng mga tao, ang kapangyarihan ng AI at ang aming maraming kulturang kadalubhasaan ay nagpapalawak sa abot-tanaw ng kung ano ang posible para sa mga tatak, na nagpapahintulot sa kanila na mapabilis ang kanilang internasyonal na pagganap sa pamamagitan ng pagbuo ng mas maraming nilalaman sa mas maraming merkado, habang pinananatili ang kabuluhan sa kultura.

Partager

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *